Naaawa ako

Posted: April 18, 2012 in Uncategorized

Kanina after ng OJT ko nag- take out ako sa chowking sa may kanto ng Letran. Habang nag- aantay sa order ko at ineenjoy ang free wifi nila nalihis ang paningin ko sa sekyu ng nasabing fast food chain. Habang nakatayo siya ay pinagmamasdan niya ang mag customer na kumakain ng masarap na hapunan habang nagkukwentuhan. Nang mga sandaling iyon bigla akong naawa sa kanya at bigla kong nasabi sa sarili ko na bakit ang bawat Pilipino ay hindi pantay pantay.

Minsan ko ng nakita si manong sekyu ng chowking na kumakain ng kanyang hapunan ilang oras bago sila magsarado. Punong puno ng kanin ang kanyang pinggan at tila iisang piraso ng manok ang kanyang ulam. Bakas sa kilos ng kanyang kamay ang mabilis nyang pagsubo o pagkain dahil sa pagod at pagtayo maghapon.

Ang mga sekyu ang unang bumabati sa atin kapag tayo ay papasok at lalabas sa isang kainan. Isipin sana natin na pare pareho lang tayo ng lahi at nilikha tayo upang tumulong sa ibang tao.

Ako yung tipo ng tao na marunong magtipid, di ko alam kung bakit ganito ako kasinop siguro epekto narin ito ng mabuting pagpapalaki ng aking mga magulang. Nakita ko sa kanila ang kahalagahan ng pera at kung gaano ito kahirap kitain.

Simpleng tao lang ako, kahit na alam kong my pera ako pambili ng gamit na gusto ko pinipili ko parin na maging mapagpasensya, dahil lahat ng bagay ay dapat bilhin sa tamang panahon..ang panahon kung saan umaapaw ang pera mo sa bulsa.Dahil my panahon para sa ibang bagay, unahin muna yung mas mahalaga at mas kailangan.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s